PNP CHIEF GEN. GUILLERMO ELEAZAR PINAGTIBAY PA ANG KAPULISAN LABAN SA BIFF

THINKING NEWS
0




INATASAN NI PNP CHIEF GEN. GUILLERMO ELEAZAR ang kapulisan sa Bangsamoro Region na maglunsad ng pinalakas na kampanya laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos malaman na dumarami ang mga nagiging kasapi nito..

Ginawa ni Eleazar ang kautusan matapos na malaman mula mismo kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez Jr. na dumarami pa rin ang recruits ng BIFF kahit may pandemya.



Aniya sinasamantala ng BIFF ang hirap ng buhay ng mga mamamayan dahil sa pandemya kayat mas madali silang makapag-recruit.

Inatasan niya ang PNP na hadlangan ang recruitment ng BIFF at kumbinsihin silang magbagong buhay para sa kapakanan ng kanilang pamilya. ---MAY 17, 2021

(Reported by Catholic Station dxMS of the Notre Dame Broadcasting Corporation)

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)