Mga taga Tampakan, South Cotabato pabor sa planong pag-mina ng copper sa kanilang bayan
May 15, 2021
0
KORONADAL CITY (May 7, 2021) Ang mga etnikong Blaan sa mag-kakatabing mga probinsya ng Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur ay labis na nagalak sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order 130 noong April 14, 2021.
Ang EO 130, o “Lifting of Moratorium on Mineral Agreements,” ay maaring magbibigay daan para sa posibleng pakiki-pagkasundo ng pamahalaan para sa mga bagong mineral agreements na na-ayon sa mga atas ng Mining Act of 1995.
Ang Executive Order 130 ay isang pag-amyenda sa Section 4 ng Executive Order 79, pirmado ng dating Presidente Aquino noong taong 2012, na nag-suspinde sa pagbabalangkas ng mineral agreements, isang requirement sa pagbibigay ng pahintulot para sa mga mineral explorations sa Pilipinas.
Bagama’t malinaw na ang EO 130 ay hindi pa naman atomatikong nagpapahintulot sa pag-mimina ng anumang minerals, ito ay nakapagdulot ng pag-asa sa mga residente ng Tampakan, South Cotabato, sa Columbio, Sultan Kudarat, sa Malungon, Sarangani, at sa Kiblawan, Davao del Sur na mahigit 20 taon ng umaasang makapagsimula na ng pagmimina ang Sagittarius Mines Incorporated ng copper (tanso) at gold (ginto) sa mga bulubunduking napapalibutan ng naturang apat na mga bayan.
Naniniwala ang mga Blaan sa Tampakan, sa Columbio, sa Kiblawan at sa Malungon na magiging labis ang kaunlarang dulot ng operasyon ng SMI sa kanilang mga komunidad.
Di pa man nakakapag-operate ay nakapaglagak na ng milyon-milyong halaga ng pondo ang SMI nito lamang nakalipas na ilang mga taon para sa mga humanitarian projects nito na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga residente ng naturang apat na bayan.
Noong September 2021, nagpalabas ng Certification Precondition, o CP, ang National Commission on Indigenous People (NCIP) na nagsasaad na ang indigeous people sa Tampakan at kalapit na mga bayan ay walang tutol sa balak ng SMI na makapag-mina ng copper at gold sa kanilang mga ancestral lands.
Ang Indigenous Peoples Rights Act, kilala din bilang Republic Act 8371, ay maliwanag na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga IPs na magamit ang mga natural resources sa kani-kanilang mga ancestral lands para sa kanilang kabutihan.
Sa random surveys nitong nakalipas na ilang buwan, wala ni isa mang Blaan sa Tampakan, sa Columbio, sa Malungon at sa Kiblawan ang nagpahayag ng pag-tutol sa plano ng SMI na magmina ng copper at gold sa mga Blaan ancestral lands.
Noong July 2020, Si Omar Saikol, na siyang director noon ng Environmental Management Bureau sa Region 12, ay nagpahayag na reinstated na ang Environment Compliance Certificate ng SMI.
Para sa mga Blaan, ang pagtutol sa anumang mining activity sa Tampakan ng iilang grupo lang na mga taga-labas, hindi naman myembro ng kanilang tribo, ay pagyurak sa IPRA law.
Alam sa Mindanao na ang opposition sa planong pag-operate ng SMI mula pa noong 1995 ay nagmulala lang sa mga taga labas at hindi sa mga Blaan at mga non-IP settler communities sa Tampakan.
Para sa mga Blaan malinawag na pangingi-alam sa kanilang rights at privileges na ginagarantiya ng IPRA, ang pagtutol ng mga grupong taga labas, pawang hind mga taga Tampakan, sa kagustuhan nilang ipa-mina sa SMI ang mga copper at gold na naka-deposito sa kanilang mga ancestral domains. (From surveys, interviews, reports by different online media outlets and three Facebook blogs)