ILANG MGA BAYAN SA MAGUINDANAO LUBOG SA BAHA

THINKING NEWS
0




LUBOG sa baha ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao dulot ng sunod-sunod na buhos ng ulan dahil sa low pressure area o LPA matapos ang Bagyong Crising.

Kabilang sa apektado ng baha ang bayan ng Sultan Sa Barongis. Ang bayan na ito ay di kalayuan sa Liguasan Delta, catch basin ng maraming ilog mula sa mga bundok ng Sultan Kudarat province, Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato, at Bukidnon.



Wala namang naiulat na paglikas sa mga residente at pinapayuhan ang mga ito na huwag magtampisaw sa baha upang maiwasan ang pagkakasakit dulot maruming tubig.

Nakaantabay naman ang LGU sa pagbibigay ayuda para sa mga apektadong pamilya.

Maliban sa SSB nakaranas din ng baha ang mga kalapit bayan nito tulad na lamang ng Datu Salibo, Datu Piang, Mamasapano, Shariff Saydona Mustapha, at ilang mga barangay ng Rajah Buayan Maguindanao. --- MAY 17, 2021

(Broadcast Journalist SAM SALI of Catholic station dxMS, one of six stations in Central Mindanao of the Notre Dame Broadcasting Corporation)

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)