DALAWANG BANDIDONG BIFF PATAY SA PANIBAGONG LABANAN SA MAGUINDANAO

THINKING NEWS
0




Napatay ang dalawang myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, o BIFF, sa panibagong labanan sa Datu Paglas, Maguindanao umaga ng linggo, May 16.

Ayon kay Major General Juvymax Uy ng 6th Infantry Division ang labanan ay sumiklab matapos na paputukan ng mga bandidong BIFF ang mga sundalong na-atasang siyasatin ang naiulat na presensya ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Mao, Datu Palas.

Ayon sa ilang mga myembro ng lokal religious community, mga guro at dalawang community leaders, ang mga napatay na sina Mansur Amil at Salem Oting, ay kabilang sa mga kasapi ng BIFF na nagtipon sa poblacion ng Datu Paglas noong May 8 na nagsanhi ng kaguluhan.

Tatlong mga bandidong BIFF pa ang nasugatan sa labanan sa Barangay Mao, inisyal na nakilalang sina Tato, Sanged at Samsudin, ayon sa mga impormante, dalawa sa kanila mga health workers na mga anti-COVID-19 frontliners.





Ang mga sugatang BIFF ay nagtamo ng mga shrapnel wounds sa ibat-ibang bahagi ng katawan sanhi ng pagsabog ng mga 40 millimeter grenades na pinabagsak sa kanilang mga puwesto ng mga sundalo gamit ang M203 rifles.

Nanawagan ngayong umaga ng lunes, May 17, si General Uy sa mga nalalabing myembro ng BIFF na magbalik loob na sa pamahalaan habang may panahon pa dahil magpapatuloy ang kampanya ng 6th ID laban sa kanila.





Tatlong brigada na ng 6th ID --- ang 601st Brigade, ang 602nd Brigade at ang kararating pa lang sa Maguindanao na Brigade Combat Team 1 na may tatlong component-battalions --- ang ngayon ay nagtutulungan na masawata ang BIFF sa panggugulo sa Central Mindanao.

(From Catholic Station dxMS in Cotabato City, one of six radio stations in Mindanao of the Notre Dame Broadcasting Corporation)

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)