Kakasa ka ba sa BAKUNA DANCE CHALLENGE?

THINKING NEWS
0
Para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID 19, ginawa ng isang netizen ang Bakuna Dance Challenge. Sabi ni Jerome Pascual, isang IT professional at taga-Rizal, nais niya lamang makatulong gamit ang social media. Ang naisip niyang paraan, gumawa ng video sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at saka ini-upload niya ito sa tiktok.



Aminado si Jerome na maging siya ay may agam-agam din sa bakuna, pero mas nangingibabaw sa kaniya ang aniya'y kabutihang epekto nito para makalaban na ang katawan ng tao sa virus. Tiwala rin siyang hindi iri-release ang bakuna kung hindi ito ligtas. Dagdag ni Jerome, bukod sa pagsunod sa health protocols, makatutulong aniya ang bakuna para makabalik sa dating sitwasyon.







Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)