Indonesia pumalag sa panghihimasok ng Chinese coast guard sa territorial waters nito

THINKING NEWS
0


Ang bansang Indonesia ay nagprotesta sa Beijing dahil sa panghihimasok ng isang Chinese coast guard vessel sa territorial waters nito malapit sa pinagtatalunang South China Sea at nagsabi na isa itong violation ng kanilang soberanya.





Ang Chinese coast guard vessel ay pumasok sa exclusive economic zone ng Indonesia malapit sa baybayin ng hilagang isla ng Natuna, ayon sa pahayag ng foreign ministry ng Indonesia. Hindi naman nito sinabi kung kailan nangyari ang insidente.

Ang foreign affairs minister ng Indonesia ay pinatawag ang Chinese ambassador sa Jakarta at nagpahayag ng isang malakas na protesta hinggil sa pangyayari. Nagpadala rin ng isang diplomatic note of protest ang foreign minister ng Indonesia.

Ayon sa mga lokal na mangingisda ng Indonesia, nakita nila ang isang Chinese coast guard vessel na nagbabantay sa mga chinese fishing boats. Dagdag pa nila na maraming beses na itong nangyari sa mga nagdaang araw at pagkatapos ay isinumbong nila ito sa Maritime Security Agency ng Indonesia.

Ngunit tinanggihan ng China ang protesta ng Indonesia laban sa mga aktibidad ng mga Chinese fishing vessels sa loob ng kanilang territorial waters.

Ayon sa foreign ministry ng China, tinanggihan nito ang akusasyon na ang coast guard vessel nila ay iligal na pumasok sa karagatan ng Natuna islads sa loob ng exclusive economic zone ng Indonesia.

Source: PH TV

Post a Comment

0Comments

Post a Comment (0)