SEAMAN CADET NA 1 BUWAN NANG NAWAWALA, INAKSYUNAN NA NI IDOL #RAFFY!
January 29, 2019
0
Imbestigasyon Isa sa mga concern ng pamilya ang aniya hindi maibigay na incident report ng shipping line na pinagtatrabahuan ni Galorio. Ito ang ikinasasama ng loob ng pamilya. Nagkaroon din ito ng pagkakataon mula sa shipping line na makaakyat sa barko at gumawa ng kanilang sariling imbestigasyon. Ayon sa shipping line ay nagkaroon ng rescue operation upang mahanap ang binata. Ngunit hanggang ngayon ay walang impormasyon na nailalabas pa.
Tulong-tulong Tinawagan naman ni Raffy ang mga taong may malaking partisipasyon para sa kaso at upang mapabilis ito. Isa sa mga ito ay si Gina Virtusio ng BW Shipping line na kung saan ay binahagi na sa ngayon ay mariing imbestigasyon ang ginagawa sa kaso ng binata.
Masamang Balita Ang inakalang walang signal lamang sa barko ay yun na pala ang umpisa ng paghihirap ng kalooban ng pamilya ni Galorio. Isang araw ay tumawag ang ahensya ng barko na pinagtatrabahuan ni Galorio sa pamilya nito at inabisuhan ang mga ito na huwag mabibigla sa balitang hatid nila. Anila ay nawawala si Kristoffer sa Honolulu, Hawaii.
Huling Pag-uusap Ayon sa salaysay nito ay huling nakausap ng pamilya si Kristoffer noong Disyembre 26 at ibinalitang pupunta ang kanilang ruta sa Japan kaya naman excited ito. Aniya ay mag-iipon ito ng mga pampasalubong sa kanyang pamilya. Ito ang unang sampa sa barko ng kanilang anak.
Nawawalang Seaman Isa sa mga nawawala ay ang binatang si Kristoffer Galorio. Ang 20-anyos na tubong Iligan ay nawawala pa diumano noong ika-28 ng Disyembre. Naglakas loob ang pamilya nito na dumulog na sa Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo upang mapabilis ang pag-iimbestiga rito. Ang tyahin nito ang nagrepresenta sa ina ni Galorio na makapanayam ni Raffy.